Una sa Balita

Kylie, Jake todo lambingan sa harap ng press

0 281

Umaapaw sa tamis at pag-ibig sa isa’t isa sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa na parang hindi talaga nila alintana ang mga media at blogger na nasa harap nila sa farewell presscon para sa isang linggong natitira sa serye nilang “Los Bastardos” ng ABS-CBN 2.

Pinuri nang husto ni Kylie ang pagmamalasakit ni Jake sa kanilang mga baguhan sa acting, na tinulungan sila sa kanilang mga eksena.

Nagpasalamat din si Kylie kay Jake sa pagmamahal na ipinapakita at ipinaparamdam nito sa kanya.

Walang dudang in love si Kylie kay Jake dahil hindi siya maubusan ng deskripsyon tungkol kay Jake.

Sa kauna-unahang pagkakataon naging madaldal si Kylie na hindi naman nya personality sa mga nagdaang interview sa kanya ng press.

Kitang-kita rin sa mga mata ni Kylie ang pagu-glow nito habang tumitingin ito sa puwesto ni Jake sa presscon.

Ramdam din ang malaking pagmamahal ni Jake kay Kylie, dahil palagi itong nakalingon sa kasintahan kahit ang comment nya ay para sa lahat ng cast ng kanilang serye.

Nasaksihan namin kung gaano ka-sweet sa isa’t isa ang dalawa, lalo na nung bumalik si Kylie sa holding area ng cast. Habang may nagpu-photo op kay Kylie, nagtatago naman sa pintuan si Jake.

Gusto niyang gulatin ang kasintahan, na napagtagumpayan naman nya.

Nang magulat at mapasigaw si Kylie mahigpit na nagyakap ang dalawa habang naghahalakhakan.

Rocco, Melissa ‘di totoong hiwalay na

Nanatiling matatag ang romantic relationship nina Rocco Nacino at ng volleyball player na si Melissa Gohing. Nakaposte sa Instagram ni Rocco ang throwback photos ng travel nila ni Melissa at ang anniversary message nya sa kasintahan sa pagsapit nila ng dalawang taon sa kanilang relasyon.

Bago lumipad patungong Dubai si Rocco, gumawa na sya ng love at anniversary message post para sa relasyon nilang dalawa ni Melissa.

Pinasalamatan ni Rocco ang kasintahan sa pagsama nito sa kanya sa lahat nang mga adventures nya.

Sabi pa ni Rocco sa huling mensahe nya, hihintayin nyang dumating ang panibagong dekada sa kanilang relasyon ng kasintahan.

Hindi naman nagpahuli si Melissa sa kanyang message para kay Rocco na sinasabi nyang “My one and Only”.

Sey pa ni Melissa, hindi raw nya pinangarap na wala sa piling nya si Rocco.

“I love you more and more and more each day.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy