Una sa Balita

Kylie, Jake nilanggam sa sobrang lambingan

0 571

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyUnti-unti na ngang ibinabahagi nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa ang kanilang relasyon, na dati ay ayaw nilang ipakita sa social media. May bago ngang post ang dalawa sa kanilang Instagram.

Nakadikit ang kalahating mukha ni Jake sa likod ng ulo ni Kylie na siyang nakabalandra sa harap ng kamera.

“Monchichis” ang nakasaad na caption na sinulat ni Jake. Isang term na nagpapahayag ng kanyang paglalam­bing kay Kylie.

Kahit wala pang direktang pag-amin sa dalawa, ang mga kasamahan nila sa industriya ang tila nagkukumpirma sa pag-iibigan ng dalawa.

Si Kim Chiu ay nag-comment ng apat na red heart icon. Ang co-star naman nina Kylie at Jake sa “Los Bastardos” na si Mica Javier ay nag-comment ng pitong red heart icon.

“Omg!! Loveteam @ juancarloscuenca may true to life love team ka na!!! @kylieversoza cute niyo,” sabi naman ni Iza.

Well, mukhang nilalanggam nga sina Jake at Kylie sa sobrang lambingan nila, ha!

Sunshine lampaso sa ganda ni Angelina

Nag-‘suffer in comparison’ si Sunshine Cruz sa dalaga niyang anak na si Angelina Isabelle nu’ng i-post niya ang throwback photo niya sa tabi ng latest pic ng bagets.

Magkatabi ang mga photo nilang dalawa para ipakita ang pagkakahawig nila.

“Look @angelinaisabelle. I was 16 or 17 when this was taken,” caption ni Sunshine.

Marami ang nagsabi na malaki ang pagkakahawig nila ni Angelina. May mga nagbanggit ng pangalan ni Cesar Montano na medyo nahawig din daw kay Angelina.

Pero marami rin ang nagsabi na mas maganda si Angelina kumpara sa kanyang ina.

Pinalalabas ng mga follo­wer ni Sunshine na tinalbugan ng anak niya ang kanyang beauty.

@shirleyecuasion; “Mas maganda ang anak niya.”

@chinkyeyedlady; “The daughter is prettier.”

Kung tutuusin nga dahil sa pinaghalong dugo nina Sunshine at Cesar si Angelina, base sa larawan nito, lumalabas na mas maganda nga ang dalaga kaysa sa ina.

Parang hindi Filipina si Angelina, at papasa itong Hollywood star.

‘Guide to better health…’

Power couple ang bansag kina Patricia Javier at Chiropractor husband niyang si Doc Rob Walcher. Sa loob ng apat na taon, nagawa nilang palaguin ang Chiropractic sa Pilipas, na mula sa unang clinic nila sa Tomas Mo­rato, nag-branch out sila sa Makati, at magkakaroon na rin sa Alabang.

Naglabas din ng libro si Doc. Rob, ang “Doc. Rob, Guide to Better Health & Wellness.”

Naglalaman ang libro ng limang power-point para makuha ang ninanais na healthy lifestyle.

Sa panayam namin kay Doc. Rob, sinabi niyang mahigit 100 pasyente ang pumupunta sa kanyang clinic. Kahit pagod na sa buong maghapong trabaho, lagi siyang naglalaan ng panahon para kay Patricia at sa kanilang dalawang anak na lalaki.