Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kyle hina-hunting basher ng baby ni Janella

0 63

Kumalma na si Janella Salvador matapos mag-sorry ang basher na nanlait sa anak niyang si Jude.

Kumulo nga ang dugo nina Janella at Markus Paterson nang pintasan ng isang netizen si Baby Jude.

Sa tweet nga ni Janella ay ibinalita niyang humingi ng paumanhin ang basher at ang ina nito.

“Update: Gabriel, his mother, and some of the people commented on his post apologized to us personally, I hope this is a lesson learned for them to be responsible and kind on social media,” sabi ni Janella.

SM food to go Banner Ad

Kasabay nito ang public apology statement ng lalake na nagsisisi sa kanyang ginawa at hindi na ito uulit pa sa kanyang kasalanan sa kahit na sino.

Pero, may ilang mga basher pa rin ang ayaw tumigil sa panlalait sa bata.

Tulad ni @ninaduque na nag-wish pa ng masama sa sanggol.

At gigil na gigil naman si Kyle Echarri, ninong ni Jude, sa basher na `yon. Gusto nga niya itong sugurin para maiposte ang larawan nito sa socmed. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.