Una sa Balita

Kyle atras din sa Team USA

0 310

NANGAYAW na rin sa pool ng USA Basketball si Kyle Lowry ng NBA champion Toronto Raptors.

Bumaba na sa 15 ang pagpipilian ni coach Gregg Popovich ng 12 players na bibitbitin sa China sa Aug. 31-Sept. 15 para depensahan ang back-to-back gold medals ng FIBA World Cup.

Ayon kay Lowry, hindi pa gumagaling ang hinlalaki na inoperahan pagkatapos ng Finals. Binagabag siya ng daliri sa kabuuan ng playoffs, hindi pa rin siya maka-todo sa on-court workouts.

Umaasa siyang makakabalik na sa floor at makakasama sa praktis ng Americans sa El Segundo, California ngayong araw, pero nang makausap ang doktor ay nakumpirmang hindi pa puwedeng maglaro.

“I was hoping to be available in time to help my country in their quest for gold in this upcoming tournament,” pahayag ni Lowry sa Instagram. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy