Una sa Balita

Kuzma nagpaandar, kumana ng career-high

0 466

NAKAKABAWI na ang Los Angeles Lakers habang wala pa si superstar LeBron James (groin strain).

Umiskor si Kyle Kuzma ng career-high 41 points at kinubabawan ng Lakers ang Detroit Pistons 113-100 Miyerkoles ng gabi tungo sa 3-5 record habang wala si James.

Pasabog si Kuzma ng 22 points sa third quarter, nagsalpak ng apat na 3-pointers at umiskor pa ng dalawang sunod mula goaltending call na nagpatayo sa crowd sa Staples Center.

Nilabas si Kuzma 1:07 pa sa laro, nilagyan ng ice pack ang likod.

Solo-katawan na nagtuhog ng 10 at 6-point scoring run ang sophomore forward nang lumayo ang Lakers ng 16.

Hindi na naibaba ng Pistons ang hinahabol sa single digits sa fourth nang ma-outscore 34-23.

Wala sa loob si Kuzma, itinuloy ni Michael Beasley ang ragasa ng LA nang ilista naman ang 15 sa kanyang 19 points sa final 12, sa mismong araw ng kanyang 30th birthday.

Habang nananalasa si Beasley, napatayo sa kinauupuan si James.

Naigapos sa 16 points at hindi pinaporma sa rebounds si Blake Griffin, bago ang laro ay nag-a-average ng career-high 25.3 points para sa Detroit.

Pasok ang 3-pointer ni Ball at nagtuhog ng 5 points si Kuzma na nagpasugod kay James sa court sa isang timeout.

Muling ire-re-evaluate si James sa Biyernes at hindi sasama sa biyahe ng team sa Utah. Walong laro na ring absent sa Lakers si veteran guard Rajon Rondo (right ring finger surgery).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy