Una sa Balita

Kuzma, Los Angeles tiniris ang Memphis

By
0 1,359

Maagang naiwan ng 17 ang Los Angeles ­Lakers, pero sa fourth ay nagliyab si Kyle Kuzma para pangunahan ang atake na nagbaon sa Memphis, 100-93, Sabado ng gabi.

Iginuhit ni Kuzma ang 15 sa kanyang 25 points sa final period, nagbaba pa ng 10 rebounds sa nasabing 72nd NBA elims game.

“The fourth quarter, we just didn’t want to lose,” ani Kuzma.

Sa opening quarter ay mukhang natulala ang Lakers, walang depensa sa loob nang mula sa paint ay kubrahin ng Grizzlies ang 18 sa ­unang 28 points.

“In the second half, we did a better job of keeping them out of the paint,” dagdag ni Julius Randle, tumapos ng 20 points at 11 rebounds sa LA.

Umayuda si Kentavious Caldwell-Pope ng 18 points, may 12 points at 10 assists si Lonzo Ball sa Lakers.

Pinangunahan ng 20 points at nine assists ni Andrew Harrison ang Memphis.

Sinindihan ng bihirang 4-point play ni Caldwell-Pope ang 11-2 run ng Lakers sa fourth, pito rito ang sunod-sunod na iniskor ni Kuzma.

Inagaw ng Lakers ang lead, 84-79, mula roon ay hindi na nakarekober ang Grizzlies.

Sa angas ng inilaro ng Memphis sa first quarter, mukhang ­handa na nilang iganti ang 61-point loss sa Charlotte noong Huwebes – pinakamalaking tambakang talo ng prangkisa – pero tumukod din sa dulo.