Una sa Balita

Kuya Kim proud sa anak na piloto

0 332

ALAM N’YO BA?

Buong galak na ipinagmalaki ng sikat na weather reporter at dating “Showtime” host na si Kim Atienza ang first solo-flight ng kanyang panganay na anak na si Jose III Hung Atienza.

“Congratulations on your wings my PILOT Jose! Mama and I are so proud of you! You are truly a bles-sing. Always remember THE pilot, the source of all, as you fly His great skies! I love you dear son! Praise Jesus for you!” masayang pahayag ni Kuya Kim.

Hindi talaga maitago ang pagka-proud ni Kuya Kim bilang ama sa kanyang anak dahil sa dami ng picture at video na ibinahagi nito, dumayo rin siya ng La Union para suportahan ang kanyang anak sa unang achievement nga nito bilang piloto.

“I’m still stoked. My little boy is now a pilot. Sorry for the humblebrag friends but Papa just can’t help it. Love you Jose!” dagdag pa ni Kuya Kim.

Nangangahulugan kasi ang first-solo flight na nakamit na nito ang kanyang ‘wings’ bilang piloto. Ibig sabihin, kaya na nitong magpalipad ng eroplano (Cessna – uri ng eroplano) nang mag-isa kahit walang flight instructor na kasama.

Sunod-sunod din ang pagbati ng mga kaibigan ni Kuya Kim sa industriya gaya nina Karen Davila, Vhong Navarro, Jorge Cariño, Isabelle Daza at marami pang iba. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy