Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kuwentong TikTok: Heart, Blythe palaban, tinalakan mga ‘marites’

0 61

Ang daming kuwento sa TikTok! Mga kuwentong TikTok na kapupulutan mo ng aral, pero mas lamang ang mapupulot mong kalokhan at katarayan. Hahahaha!

Anyway, heto ang chika kay Heart Evangelista:

May nagtanong kasi na… “Bat di kayo magkaanak?

At heto ang sagot ni Heart:

“Kulit ha!

“Ayoko eh!

“Didn’t anyone teach you manners?

“I mean, if I’m not sad about it, why are you even?”

“Chill. Not your uterus!

“Being a mom shouldn’t be the only source of happiness. My goodness. “What are you going to do when your kids have their own life?”

Oh, kabog, di ba?

At another kuwentong TikTok na tungkol naman kay Andrea Brillantes.

May nagkomento kasi sa TikTok video ni Andrea na, “Usap muna bago drama sis.”

At heto nga ang sagot ni Andrea:

“Ikaw na chismosa ka, ‘wag kang umasata na parang alam mo laahat at alam mo kung bakit ako nagda-drama. Yan ang problema sa inyong mga chismosa eh!”

Anyway, umabot na sa 58,100 ang nagkomento at naghanap sa pagtalak na `yon ni Andrea sa fan. May 1.6M na like na ito, at 11.4M na ang nag-view sa drama ni Andrea. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.