Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Kuwentong Pagkain’ para sa mga college student

0 118

Naglunsad sa pagtatapos ng 2020 ang Mama Sita Foundation ng ‘Eskwela Edition’ para sa taunang story contest ‘Mga Kuwentong Pagkain’sa mga estudyante sa kolehiyo sa pamamagitan ng ‘Eskwela Edition.’

May temang “Regional Food Heritage,” layon ng pakontes na matuklasan ang mga young storytellers na matutong palawakin ang kanilang food culture mula sa putahe ng kanilang mga lolo’t, lola patungo sa mga pinagmamalaking mga pagkain sa kani-kanilang mga lalawigan.

Bukas ang pakontes sa lahat ng interesadong Pinoy undergraduate students o exchange students na kasalukuyang naka-enrol sa Philippine college o university.

Maaring magsumite ang mga estudyante ng kanilang food stories sa essay o video format.

Ang deadline ng submission ng entry ay sa Enery 19, 2021.Magtatapos ang pakontes sa pamamagitan ng ilang mga aktibidades sa Pebrero 27, 2021.

Sa iba pang impormasyon sa Mga Kuwentong Pagkain: Eskwela Edition, visit https://mamasitas.com/join-mga-kuwentong-pagkain/ habang sa mga impormasyon naman sa Mama Sita Foundation bumisita sa www.mamasitafoundation.com.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.