Una sa Balita

Kuwentong Pacquiao

By
0 94

Pumutok na ang balitang aalis na si Fighting Senator Manny Pacquiao sa KIA Picanto at lilipat sa Blackwater.

Pero kaagad ding pinabulaanan ito ng kampo ni Pacquiao at sinabing bali-balita lamang ‘yun at walang katotohahan.

Sa kabila na pinabulaanan na ito, hindi pa rin mawala ang mga bulung-bulungan.

Sa totoo lang matagal ng binabantayan ng mga sportswriters ang alingasngas na ito kaya bantay sarado sila dito. Hindi nga naglaro si Pacquiao kahit na isang game ngayong season.

Dalawang beses lang umupo sa bench ang Senador pero hindi nagko-coach at hinahayaan lang ang kanyang assistant na si Chris Gavina ang dumiskarte.

Sa ongoing Governors Cup, talo ang Picanto sa lahat ng laro. Bigo ring makapasok sa playoffs sa ikatlong dikit na pagkakataon.

Samantala, sa interview ng BoxingScene kay CEO Bob Arum, tahasang sinabi nito na ayaw talaga ni Pacquiao sa rematch kay Jeff Horn kung sa Australia ito gagawin.

Ayon kay Arum ipinipilit ni Pacquiao na sa Pilipinas ito idaos at maging sa Las Vegas ay ayaw na rin ng Fighting Senator.

Para na ngang inis si Arum kay Pacquiao at sinabi nito na ang palitan ng piso sa dolyar ay 52 pesos kaya saang bunganga ng ahas niya aagawin ang pambayad sakaling sa Pilipinas nga gawin ang rematch.

Siguro daw ipinapangahas ni Pacquiao ang pangako sa kanya ng Department of Tourism na tutulong ito at ang pribadong sponsors para madala sa Pilipinas ang rematch pero para lamang sa promotion at walang perang involved.

Sabi ni Arum gusto niyang sa Pilipinas idaos ang Pacquiao-Horn rematch pero huwag asahang siya ang magbabayad.

Ngayon, heto ang maganda: Abangan natin ang magiging development kung matutuloy ang pag-alis ng mambabatas sa KIA at mangyayari na dito sa Pilippinas idaos ang inaabangang Pacquiao-Horn rematch.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy