Una sa Balita

Kuwentong Caloy

0 357

MULA sa paglalaro at panggagaya sa nakikita nilang kapitbahay na gymnast, nakitaan ng potential ni Lolo Rodrigo Frisco ang kanyang 7-taong gulang na apo na si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ng husay sa gymnastics artistic.

Binitbit ni lolo papuntang Rizal Memorial Sports Complex-Gymnastics Center sa may Vito Cruz, Malate, Maynila si Caloy at ang kanyang ate na si Joriel, na isang cheerleader ngayon para sa National University Bulldogs.

Kaluna’y nakakuha ng libreng training ang magkapatid mula sa RMSC-GC na kaloob ng Philippine Sports Commission.

‘Yan po pala ang simula ng makulay niyang paglalakbay sa mundo ng sports.

Mula sa scholarship sa high school at paglahok sa iba’t ibang mga kompetisyon sa loob at labas ng bansa, humakot si caloy ng mga medalya.

Pinakamatingkad ang pinakahuli sa men’s floor exercise ng 49th FIG World Gymnastics Championships 2019 sa Stuttgart, Germany nitong Oktubre 4-13.

Ang nasabing paligsahan din aang naging daan niya para makarating na sa pinakamalaking patimpalak sa larangan ng sports, ang parating na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Pero bago ang quadrennial sportsfest sa Land of the Rising Sun, dito na muna sa atin magpapasikat si Caloy. Lalahok siya sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Tayo nang dumayo at suportahan si Caloy sa susunod niyang laban bilang paghahanda sa Olympics.

Ipanalangin natin at ipagsabi ang kuwento niya para pamarisan siya ng kapwa niya mga bata pang atleta na patuloy lang sa kanilang mga pagtitiyaga para maabot ang bawat pangarap.

Pinahanga tayong lahat ng determinasyon at husay ni Caloy.

Saludo ang buong sambayan sa iyo! Huwag kang magbabago.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy