Una sa Balita

Kuwalipikadong political agency

0 456

Nakikisimpatya ako kay Presidential Spokesperson Sal Panelo dahil sinalungat ng Secretary of National Defense at ng Secretary of Foreign Affairs ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagutos kay Executive Secretary Medialdea na ipaalam sa Secretary of Foreign Affairs na magpadala ng formal notice sa kinauukulang awtoridad ng America na pinuputol na natin ang Visiting For­ces Agreement (VFA). Ayon sa ulat kahapon, sinabi ng Secretary of National Defense na walang ganoong utos ang Pangulo.

Sa kanyang mga talumpati noon sinabi ng Pangulo na bilang tugon sa desisyon ng mga awtoridad ng US na ipagbawal ang pagpunta ni Senador Ronald “Bato” de la Rosa sa US ay tinatapos na niya ang VFA. Sinabi niya ito noong 23 ng Enero 2020 at sinabi niya rin sa akin ito noong kaarawan ni Ceres Liner. Inulit niya ang kanyang pahayag na tapusin na ang VFA noong 7 ng Pebrero 2020. Ito ay kinumpirma ko pa sa reporter ng GMA 7 na si Joseph Morong.

Ito ang dahilan kung bakit tulad ng taumbayan, nagulat ako nang maganunsyo ng salungat na pahayag ang Secretaries of Foreign Affairs at National Defense.

Holy Molly! Dito lamang sa Pilipinas mayroong mga Cabinet Secre­taries—mga alter egos at agents ng Pangulo—na sumasalungat at naninindigan sa kabaligtaran na pananaw ng Pangulo, na nakatataas ang tungkulin sa kanila!

Liwanagin natin ito. Ang mga Cabinet Secretaries ay walang popular mandate. Ang Pangulo na direktang inihalal ng mga tao ang naglagay sa kanila sa kanilang posisyon sa gobyerno. Sa madaling salita, ang lahat ng kanilang mga awtoridad ay nagmumula sa Pa­ngulo. At dahil sila ay itinuturing na mga extension o ahente ng Pangulo, hindi sila ­maaaring magkaroon ng mga opinyon na salungat sa ­pananaw ng Pangulo. Lahat ng kanilang personal na opinion ay personal vires o lampas sa saklaw o higit sa ligal na kapangyarihan o awtoridad nila at maituturing na violation of the so-called qualified political agency doctrine.

Ngunit sa pagpapahayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin ito ba ay isang halimbawa lamang ng pagkalimot ng Pa­ngulo na magpadala ng notice of termination sa mga awtoridad ng US? Marahil ay hindi. Maliwanag na idineklara ng Pangulo ang pagpapatigil ng VFA. Kaya bilang mga Cabinet member sila ay naatasan na ipatupad ang utos ng Pangulo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang abiso alinsunod sa provision ng VFA sa pagtatapos ng kasunduan.

Sa kaso naman ng pagpipilit ng Senado na ­kailangan ang kanilang pahintulot at ­pagsangayon sa Pangulo bago niya ito ipagutos, hayaan niyo akong ibigay ang verbatim na desisyon sa kaso na ­aking isinampa para ideklara na unconstitutional ang VFA, Salonga v Executive Secretary: “The VFA is simply an implementing agreement of he US Military ­Defense ­Treaty”. Dahil dito, walang kinakailangang pagsang-ayon sa Senado dahil sa ilalim ng ating sariling batas, ang VFA ay isang simpleng pagpapatupad ng kasunduan ng isang Treaty.

Ang mga Cabinet ­Secretaries ay hindi maaaring magkaroon ng mga opisyal na pananaw na salungat sa pananaw ng kanilang sariling Pa­ngulo. Ang lunas sa kaso ng hindi magkakaugnay na pagkakaiba sa pagitan nila at ng kanilang Chief Executive ay simpleng pagbibitiw sa tungkulin. Kung hindi, maaaring gamitin lamang ng Pangulo ang kanyang paghuhusga upang tanggalin sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More