Una sa Balita

Kuwaiti swak sa death penalty sa rape ng Pinay DH

0 373

NAHAHARAP sa parusang kamatayan ang pulis na gumahasa sa Filipina domestic helper­ sa Kuwait airport, ayon kay Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.

Binanggit ng Kuwait envoy na ang suspek na si Fayed Naser Hamad Alajmy, 22, ay kinasuhan ng rape sa ilalim ng Article 186 ng Kuwait Penal Law No. 16/1960.

Si Alajmy ang taong umasiste sa Pinay sa finger scanning registration sa airport noong dumating ito sa Kuwait noong Hunyo 4. Ayon sa mga naunang report, dinala ang biktima sa lugar na walang tao at doon ginahasa ng suspek.

Ayon naman kay Labor Secretary Silvestre Bello, naaresto na ang suspek sa panggagahasa sa Pinay maid.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy