Una sa Balita

Kuwaiti na overstaying sa Davao Oriental, kalaboso sa BI

0 316

Dinakma ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao ang isang overstaying Kuwaiti national na hiniling ng mga lokal na opisyal ang pagpapalayas dahil sa umano’y madalas pagmulan ng gulo sa komunidad.

Sa isang ulat na ipinarating kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ni BI acting intelligence chief Fortunato Manahan Jr. , kinilala ang dayuhan na si Faisal Abdullah Almansour, 50, na hinuli noong March 17 at ikinulong sa BI district office sa Davao City.

Inaresto si Almansour ng mga operatiba mula sa Mindanao Intelligence Task Group (MITG) ng BI sa kanyang tinutuluyan sa Governor Generoso, Davao Oriental sa bisa ng isang mission order.

Naglabas si Morente ng mission order dahil na rin sa mga reklamo mula kay Mayor Katrina Joy Orencia na ang dayuhan ay madalas ireklamo ng kanyang mga kapitbahay.

Nabatid sa rekord ng BI, ang dayuhan ay may pitong taon nang overstaying sa Pilipinas at expired na ang kanyang pasaporte ng 2-taon. Dumating ito ng bansa noong June 12, 2012 at hindi na ito umalis ng bansa simula nuon.

“He will thus undergo deportation proceedings for being an undocumented and overstaying alien,” sabi ni Manahan. (Mina Aquino/Otto Osorio)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More