Una sa Balita

Kuwaiti na illegal alien dinampot sa Guimaras

0 285

By Mina Aquino

DINAKMA ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Kuwaiti national sa isla ng Guimaras kasunod ng natanggap na reklamo mula sa mga residente kaugnay ng pagiging overstaying nito sa bansa.

Sa ulat ng BI, kinilala ang dayuhan na si Ahmad Issac Alameri, 59-anyos, na naaresto noong Hunyo 6 ng mga miyembro ng regional intelligence operations unit (RIOU) VI ng bureau.

Noon pa umanong July 2017 overstaying si Alameri at nabatid pa na undocumented alien rin ito dahil sa na-expire ang kanyang Kuwait passport.

Inamin din umano ni Alameri na hindi siya makabalik sa kanyang bansa dahil wanted siya sa royal family at sa intelligence agencies ng naturang bansa.

Aniya, wala siyang paraan upang i-renew ang kanyang pasaporte at ma-extend ang kanyang pananatili sa bansa.

Nang malaman ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto kay Alameri, agad iniutos ang pagsasagawa ng deportation proceedings laban laban sa dayuhan.

“He is a public charge and an undesirable alien who does not deserve the privilege to stay in our country. He should be expelled and returned to where he came from,” anang BI chief.

Kasabay nito, pinayuhan ni Morente ang publiko na huwag mag-atubiling iulat sa BI ang mga hinihinalang iligal na mga dayuhan sa kanilang lugar.

Aniya ang mga impormasyon sa kinaroroonan ni Alameri ay ipi-nadala sa kanyang tanggapan sa pamamagitan ng BI social media page.

Ang pormal na reklamo laban sa dayuhan ay dinala rin sa kanyang tanggapan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy