Una sa Balita

Kuwaiti kinasuhan sa Pinay rape

By
0 17

Kinasuhan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang isang Kuwaiti matapos umano nitong halayin ang isang Filipina domestic helper sa Mahboula district sa nasabing bansa.

Sa ulat ng The Times Kuwait, inihain ng embahada ang reklamo sa laban sa 29-anyos na akusado dahil sa ginawa nitong pang-aabuso sa ‘di pinangalanang Pinay domestic helper.

Ayon sa Public Relations and Security Media Department ng Ministry of Interior, masusing imbestigasyon ang isinagawa laban sa akusado kung saan napatuna­yan na inabuso nito ang nasabing Pinay sa tahanan nito.

Sa record ng korte, kinuha ng akusado ang serbisyo ng Pinay para magtrabaho sa apartment nito su­balit sa huli ay nangyari ang panghahalay.

Nagawang makapagsumbong ang nasabing Pinay sa pulisya at sa embahada hanggang sa madakip ang akusado.