Una sa Balita

Kuwait national hinahanting sa pagdukot at paggahasa sa Pinay DH

0 238

PATULOY na pinaghahanap ng Criminal Investigation Department ang hindi pa nakikilalang empleyado ng Kuwait International Airport matapos itong masangkot sa pagdukot at panggagahasa sa Filipina domestic helper.

Ipinag-utos na ng Attorney-General ang paghahain ng kasong kriminal laban sa suspek at bilisan ang imbes­tigasyon sa pangyayari.

Ayon sa ulat, kararating lamang ng biktima sa airport at pagdating niya sa passport control ay tinatakan ito ng security officer suba­lit sinabihan ang Pinay na sumama dito.

Dinala umano ng security officer ang Pinay sa bahagi ng airport na walang tao at doon ginahasa. Matapos makaraos ay ibinalik ang biktima sa airport.

Agad namang nagreklamo ang sponsor ng Pinay sa mga awtoridad at itinuro ang lalaking nakasuot umano ng uniporme na katulad ng mga security official sa airport.

Hindi na umano pumasok ang security officer kinabukasan at pinaniniwalaan na nagtatago na ngayon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy