Una sa Balita

Kuwago vs daga sa ‘Amazing Earth’

By
0 97

Humanda sa isa na namang­ gabi na puno ng magic at sorpresa na hatid ng mga programa ng GMA na ‘Amazing Earth’ at ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ ngayong Linggo (Agosto 12).

Muling samahan si Kapuso Primetime­ King Dingdong Dantes sa isa na namang nakakabighaning mga eksena sa Amazing Earth kung saan ipakikita nito ang mga Saiga antelopes at kanilang ritwal sa paglipat sa Eurasian steppe at mga leon na nag-aaral kung paano mamuhay sa bahang lugar sa Southern Africa.

Panoorin kung paano hulihin ng isang kuwago ang isang dagang nagkukumahog sa kanyang buhay sa European meadows at magdagdag ng kaalaman tungkol sa Philippine porcupine.