Una sa Balita

‘Kush’ pusher tiklo sa buy-bust

0 311

KULUNGAN ang bagsak ng isang 24-anyos na tulak at kabilang sa drug watch list ng Mandalu­yong Police matapos ang ikinasang buy-bust ­operation Sabado nang madaling-araw.

Sa nakalap na report sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGEN Johnson Almazan, nakilala ang suspek na si Shawn ­Patrick Nuñez y Soriano, 24, ng Mandaluyong City.

Isinagawa ang buy-bust operation alas-1:47 Sabado nang madaling-araw sa kahabaan ng Barangka Drive, Mandaluyong City matapos makatanggap ng tip ang pulisya kaugnay sa pagtutulak ng damo ng suspek.

Nakumpiska mula kay Nuñez ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng dried marijuana o high grade ‘kush’ at isang plastic sachet ng dried marijuana para sa P1k buy-bust money.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Mandaluyong Police detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy