Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kuryente tipid tips ngayong pandemya

0 72

Dahil pandemya at may quarantine protocols pa rin, palagi tayong nasa bahay. Kaya minsan nakakatakot nang silipin kung magkano na ang babayaran natin sa kuryente. Parang kada bukas natin ng sobre, daig pa ang spaghetting pataas nang pataas.

Sa ngayon, ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na electricity rates sa Asya. Ang sabi pa ng Manila Electric Company (Meralco) na muli silang magtataas ng singil sa kuryente. Ayayay!

Matagal na nating panawagan na itigil ang patuloy na taas-singil na ito. Ngunit habang hindi pa ito dinidinig ng Energy Regulatory Commission (ERC), ngayon pa lang, mabuti na maging wais tayo sa paggamit ng kuryente.

1) ISA-ISA LANG. Huwag nating pagsabay-sabayin na bukas ang mga gadgets at appliances sa bahay. Dumiskarte rin, halimbawa, kapag magpaplantsa sa umaga kung kailan malamig pa ang simoy ng hangin at may natural na liwanag mula sa araw kaya hindi na kailangang buksan ang aircon at mga bumbilya sa bahay.

2) MAKAKATIPID KUNG MALINIS. Palaging punasan at i-brush ang suluok-sulok ng mga appliances upang hindi mabawasan ang efficiency o performance level ng mga ito. Halimbawa, nasa 50 percent lamang ang liwanag ng isang fluorescent tube kung maalikabok ito. Hindi rin masyadong ramdam ang lakas ng electric fan kapag marumi ang grills nito.

3) CHECK THE LABEL! Mag-invest sa mga gamit na mataas ang efficiency rating dahil matipid na kaagad ang mga yan sa kuryente. Mayroon ding mga bumbilya na energy-saving para hindi na rin masyadong nagdadalawang isip sa pagpapaliwanag ng ating mga tahanan.

3) GAMITIN NANG TAMA. Halimbawa, kung gumagamit ng washing machine, huwag hayaang ma-overwash ang labahan. Kung gumagamit ng electric stove, siguraduhin na wala nang yelo ang lulutuin na pagkain. At syempre, huwag hayaang mag-overheat ang mga gadget gaya ng cellphone o laptop. Mas tatagal din ang mga gadgets kung hindi natin sila aabusuhin.

4) TURN OFF. I-off o kaya ay tanggalin sa saksakan ang mga appliances o gadget. Gawin rin itong patakaran sa buong bahay. Kung walang gumagamit, tanggalin na sa saksakan o outlet ang appliance, lalo na kung fully charged na. Huwag din hayaang naka-standby mode ang mga gadget dahil kumukunsumo pa rin ang mga ito ng kuryente kapag hindi ginagamit.

Para sa maraming ama at ina ng tahanan, matinding sakit sa ulo ang hatid ng mga bayarin. Pero hindi naman rin imposible na mapababa ang binabayaran nating electricity bill, sa tulong ng iilang tipid tips sa paggamit ng kuryente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.