Una sa Balita

Kuripot na senador, tiklop sa mga bata

0 364

Pagdating sa gastusan, ‘wag mo nang aasahan maglalabas ng pera itong isang miyembro ng Senado.

Kahit anong kantiyaw daw ang gawin sa kanya ng mga kaibigan, hindi ito maglalabas ng datung mula sa kanyang sariling bulsa.

Katuwiran ng mambabatas, lilipas din ang pangungutya sa kanya ng mga kaibigan.

Pero sa nakuha na info ni Mang Teban, malambot daw ang puso ng mambabatas kapag mga bata na ang humirit sa kanya.

Kahit wala daw itong pera, uutusan ang kanyang staff na sagutin ang gastusin ng mga batang umungot ng pabor.

Pintahan niyo na. Ang kuripot na senador na hindi mapahindian ang mga bata sa gastusan ay kilalang madaldal at may letrang R sa pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy