Una sa Balita

Kuntentong ama kay Elias Modesto

0 449

Ngayong araw na ito ay Father’s Day. Mahigit isang taon na rin simula nang mag-take ng indefinite leave si John Lloyd sa showbiz. Una na rito sa kanyang ongoing sitcom with Toni Gonzaga na “Home Sweetie Home.”

Since then, nakakabalita na lang kay John Lloyd sa pamamagitan ng mga binabahagi nila ng live-in partner na si Ellen Adarna sa Instagram o mga pino-post ng kaibigan at ilang kapamilya nila sa social media. Mga spotted sa kanila sa loob at labas ng bansa at ilang piling-piling showbiz o arts events na dinadaluhan ni John Lloyd.

Interview? Since last quarter ng 2017 ay wala pang inuupuang interview ang aktor.

Bilang respeto rin sa anak nina John Lloyd at Ellen, wala pa rin talagang nagpo-post o n­aglalabas sa news ng close-up picture ng ngayo’y 1 year old nang si Elias Modesto.

Ang anak nina John Lloyd at Ellen. Kadasalan ay naka-blur ang mukha ng bata kapag nababanggit ito sa news.

Pero base sa mga nakakita kay John Lloyd at sa anak nito, ang huli nga ay ang mga Ins-tagram stories ni Beauty Gonzales na hagip si John Lloyd at ang sinasabing anak nila, larawan si John Lloyd ng kasimplehan, saya at kakuntentuhan.

Nakilala namin si John Lloyd kung gaano siya bilang Tito sa mga pamangkin. Kaya alam naming kapag naging ama na siya ay mas magiging mapagmahal na tatay pa siya.

Noong aktibo pa si John Lloyd, madalas namin siyang tanungin kung nakikita na niya ang sarili na isang Daddy. At inamin niya na may pressure na rin daw sa kanya ang mommy niya na mabigyan ito ng apo.

Nang tanungin namin siya kung handa na siyang maging daddy, sey niya, “I don’t think it’s a question kung ready or hindi. Tingin ko kasi, kapag dumating siya, ready or not, ‘yun na ‘yun, e, ‘di ba? Nandoon ‘yung magic. Doon nakapaloob ‘yung moment na hindi ka sigurado, then, game, tatalon ako.

“Parang tingin ko, actually, du’n ako excited. Bihira, if not, once lang ‘yun na mangyayari sa ‘yo. Parang kapag dumating ang moment na ‘yun, do’n ako excited.”

Sino nga ba ang mag-aakalang magagawa pala ng isang kasing-sikat, one of the top endorsers na talikuran pansamantala ang kanyang showbiz career para sa anak?

Oo nga’t si Ellen ang nakikita ng lahat na dahilan kung bakit pansamantalang nag-leave sa showbiz si John Lloyd, pero naniniwala kaming it’s more for their son, Elias Modesto.

Mas umiral kay John Lloyd ang protective instinct niya bilang isang ama. Na maprotektahan siguro ang kanyang anak na maagang ma-involve sa mundo ng showbiz. The same way, maalagaan at maiparanas dito ang buong panahon na kasama siya.

Naniniwala kaming ang ginawa ni John Lloyd ay hindi madali at hindi kayang gawin ng karamihang aktor. Pero, paglaki ni Elias Modesto at babalikan niya ang kabanatang ito ng buhay niya, siguradong ipagmamalaki nito ang naging “choices” ng Tatay niya para sa kanya.

John Lloyd tinalikuran ang showbiz para sa anak

Mula sa pagiging isang teen star ng Kapamilya Network o sa pagiging isa sa mga teenager na kilala rin sa Santolan, Pasig – masisisi nga ba kung hindi pa man artista ay prominente na siya kahit sa kanilang lugar sa good look na lang na meron siya?
Mula sa isang teenager na ang unang pa-ngarap ay matulungan ang kanyang mga magulang at mga kapatid, sa isang teenager na marami palang “hugot” na lumabas sa bawat pagganap niya.
Mula sa mga comedy/gag shows ay nakita ang lalim sa pag-arte ng isang John Lloyd Cruz sa una niyang serye, ang “Tabing-Ilog” bilang si Rovic. Bago pa ang Bea (Alonzo)-John Lloyd, Sarah (Geronimo)-John Lloyd, nauna na ang John Lloyd-Kaye (Abad) kunsaan, napakaraming nagmahal bilang sina Rovic at Eds. Sa “Tabing-Ilog” ay naging “Tatay” na rin si John Lloyd ng anak nila ni Kaye.

Pero after ng “Tabing-Ilog,” mas higit na nakilala bilang isang matinee idol at mahusay na aktor ang isang dating teenager na ang unang pangarap lang ay makatulong sa kanyang mga magulang.

Dalawang dekada mula noon, napakara-ming pinagdaanan ng isang John Lloyd Cruz mapa-personal o propesyunal man niyang buhay. Maaa-ring nakikita lang ng tao ngayon ang kasikatan na meron siya, pero sa likod nito, hindi rin biro ang mga pinagdaanan niya.

Kung paano sa umpisa ay muntik na rin siyang sumuko, pero dahil hindi naman maikakaila ang husay niya noon pa man bilang aktor, n­aging pa-saporte niya ‘yun para maging matatag sa mundong pinasok.
At sa tuwing may makakausap kaming artistang naging malapit o nakasama ni John Lloyd kung nagulat ba ang mga ito sa naging desisyon ng aktor na biglang iwan ang career na mron siya, iisa ang sagot ng mga ito – “hindi.”
Maaaring sa pani-ngin ng iba, “sayang” pero sa paningin ng mga malapit sa kanya, may “inggit” pa nga sa katapangan na meron si John Lloyd na talikuran pansamantala ang limelight pero kapalit nito ay ang normal na buhay kasama ang kanyang mag-ina.

ron siya, iisa ang sagot ng mga ito – “hindi.”
Maaaring sa paningin ng iba, “sayang” pero sa paningin ng mga malapit sa kanya, may “inggit” pa nga sa katapangan na meron si John Lloyd na talikuran pansamantala ang limelight pero kapalit nito ay ang normal na buhay kasama ang kanyang mag-ina.

Balikang Popoy-Basha kinasasabikan

Noong huling buwan ng 2017 at halos sa taong 2018, si John Lloyd ang nagta-top bilang newsmaker. Ito ay sa kabila ng pagiging hindi na niya visible sa showbiz.
Kailan lang, lumabas ang pagiging endorser niya ng isang shawarma brand at halos lahat, tila nabuhayan ng loob na baka ito na ang hudyat ng kanyang pagbabalik.
Maging ang ibang mga artista tulad nina Piolo Pascual at Bea Alonzo ay nagpahayag ng kasiyahan at excitement kung sakali at babalik na nga ang aktor.
It turns out, it’s a one shot deal from John Lloyd himself.
Ang latest, ang ilang larawan nila ng ka-love team na si Bea Alonzo ang naglalabasan sa social media. Mga larawan na magkasama ang dalawa sa El Nido, Palawan.
Again, ang dami na namang na-excite lalo na at ang perennial love team na si Bea ang kasama ni John Lloyd. Back to showbiz na raw ba ito? May comeback movie silang dalawa?
Pinaniniwalaan na hindi lang chance encounter ang pagkikita o pagsasama nina John at Bea sa Palawan dahil sa presence ng ilang camera sa paligid.
At isa ito sa mga aabangan ngayon sa “misteryosong” aktor. Marami nga ang nasasabik sa pagbabalik nina Popoy at Basha.

‘Iba ang konsepto ko ng forever’

“Love is something na hindi ko pa naipapaliwanag or it’s something na hindi ko pa siya—hindi pa niya nari-reveal ang sarili niya sa akin,” ang definition ng love kay John Lloyd ilang buwan bago lumabas ang espesyal na namamagitan sa kanila ni Ellen.
By this time, walang duda na na-reveal na sa aktor kung ano ito at maaaring isa sa masarap itanong sa kanya kapag dumating ang panahon na handa na siyang muling makipag-usap o maupo sa isang interview.
Natanong din namin sa kanya kung naniniwala ba siya sa forever.
Natatawa siyang sumagot noon ng, “It’s a concept. Depende sa‘yo ang forever. Nasa sa ‘yo ‘yun, ikaw lang ang makapagsasabi. Iba ang konsepto ko ng forever.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy