Una sa Balita

“Kung walang #respeto, masasaktan ka!” — James

0 6

Ang ingay-ingay nga ng social media last Saturday dahil sa ‘talak’ ni Kris Aquino sa ex-husband niyang si James Yap. Talak na nagsimula lang sa interview kay James tungkol sa hindi niya pagkikita kay Bimby.

At kahapon nga, kung saan-saan na umabot ang talakan. Marami na ang sumawsaw, lalo na ang mga netizens na enjoy na enjoy kapag may mga artista, o celebs, o mga dating magkakarelasyon na nag-aaway sa social media.

At sa Instagram account ni James, hindi rin niya napigilan ang makipagsagutan sa mga kakampi ni Kris Aquino.

Tulad nga nitong si near24_2017, na nagsabing…

“James you are the worse father that I’ve known shame on you!!!!! Wait for your karma!”

Galit na galit ang netizen na ito kay James, ha! Close kaya sila ni Kris?

Pero, sagot nga ni James sa kanya…

“Isa lang ang sasabihin ko sayo @near24_2017. Kung wala itong word na #respeto sa tao, masasaktan ka.”

Eh, sumagot ulit si near24_2017…

“@jamesyap18 you know exactly what respect means? I don’t think so, sarili mong anak hindi mo kayang respitohin so now can I ask you something?

Alam mo ba ang salitang #Effort? ‘yan ang wala sayo, try mo din minsan. Wag puro pa interview.”

At sagot ulit ni James…

“Alam mo last na lang @near24_2017. Salamat sa advice. effort? Ginawa ko na lahat yan.”

Heto naman ang tsika ng isa pang netizen na si rosaliellarves…

“Sir idol ayaw kong manghimasok kc pareho ko kayong mahal at idol ni Ms Kris how about ur financial support? Parang sa tingin ko yun ang issue eh do u think so sir… Peace po idol.”

At ang sagot ni James…

“@rosaliellarves Kung ikaw ang nagbabayad ng tuition tapos biglang nilipat ng school ng hindi mo alam, matutuwa ka ba? #respeto.”

Bagamat maraming rumaratrat kay James, todo-suporta rin naman ang mga fans niya, na nakikipagtalakan din talaga sa mga nang-aaway sa kanilang idolo.

“wengramirez18 ipaglaban mu karapatan kuya @jamesyap18 d2 lang kaming mga Yapsters Para ipgtanggol ka at para dun s mga nag-bash sau alamin nio muna po kung anong totoo bago kau magkuda-kuda jan #respect.

“Saka bakit nman gagamitin ni Kuya James c Bimby sa publicity???? Matagal na po sya SIKAT no.”

Well…