Una sa Balita

Kung wala talagang kasalanan: 13 Pampanga cop sibakin! – Sotto kay Albayalde

0 471

RP

Isa lang ang dapat gawin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde para mapatunayang wala siyang kasalanan.

Ito ay ang tanggalin sa serbisyo ang 13 pulis sa Pampanga na nasangkot umano sa pagre-recycle ng shabu noong 2013.

Ayon kay Senate President Tito Sotto sa isang forum sa Manila Hotel, dapat umano ay sibakin ni Albayalde ang mga umano’y ‘ninja cop’ para maiklaro ang kanyang pangalan sa kaso ng 13.

“The best way for the chief PNP to show that he does not have anything to do with them is to complete the proposal of the dismissal and file the necessary cases,” ayon kay Sotto.

Matatandaan na nakabit ang pangalan ni Albayalde sa 13 Pampanga cop dahil siya ang dating hepe ng police provincial office ng lugar.

Sa pagdinig sa Senado ay inakusahan din siya ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na hinarangan ang dismissal ng 13 pulis.

Dati nang natanggal sa serbisyo ang 13 police officer noong 2014, ngunit matapos katigan ang kanilang motion for reconsideration ay na-demote lamang ng isang ranggo noong 2016.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy