Una sa Balita

Kung superhero ako

By
0 390

Kaliwa’t kanan ang pelikula at serye sa TV na tumatalakay sa exploits ng mga superheroes. Sa mga Titos and Titas of Manila nakaka-relate sila dito dahil all ages naman ang apektado o audience ng mga superheroes.

Kaya naman sa dugtungan natin ang tanong paano kung isa kang superhero, anong gagawin mo at paano mo gagamitin ang superpowers mo. Kaya eto na ang dinugtu­ngang linya ng mga netizens.

Kung Superhero Ako…

Magsusuot ako ng brief sa labas ng pants ko
Lilipad ako mula sala hanggang kusina!
Magte-teleport ako sa tabi ni crush.
Lahat ng Filipino sa buong mundo ililigtas ko sa Kahirapan at Kagutuman 🙂
Ibabalik ko sa da­ting ayos ang mundo maramig puno at ha­laman at wala na rin polusyon
Pupunta ako sa mga taong namimis ko para makita cla at mayakap kahit sandali
Pauulanin ko ng pera ang buong Pili­pinas. Para wala ng maghirap pa at magutom.
Lahat ng tao bibigyan ko ng lakas ng loob magsabi ng katotoha­nan 🙂
Wala nang magsusugal ng pera nila para hindi sila maadik at makakatulong pa sila sa family nila
Wala ng broken hearted
Magpapaulan ako ng French fries
I will have telekinesis! So I can break the laws of physics!
Ability to HEAL all diseases because I don’t want see people suffering on it 🙂
Papayamanin ko talaga Pilipinas. grabe na tong mga nasa news. Ung MRT. tsk. aynako talaga.
Ability to restore and maintain the beauty of nature! in order to prevent Na­tural Disasters! #NATUREMAN
Gusto ko yung kay mystique sa X-Men. para magiging agent ako ng NBI tas mag-chechange form ako into their suspects.
Lahat ng mga lalaki gagawin kong mabait para wala nang masaktang mga babae
Ability to turn all UGLY People to HANDSOME and BEAUTIFUL People! Para lahat pasok sa PBB!
Susungkitin ko lahat ng snatchers, holdapers, at iba pa pa­punta sa kulungan para maging safe na lagi
Pinagtagpi-tagpi ko ang isip ng mga tao para iisa lang ang pinatutunguhan nito ng may kapayapaan.
Magpapatayo ako ng company tapos dun ko pagtatrabahuhin ang mga taong walang trabaho
Kontrolado ko utak lahat ng tao, para lahat ng gagawin nila tama
Wala nang mama­limos sa kalsada dahil kukupkupin ko sila at aalagaan!
Dadalhin ko yung masarap na simoy ng hangin mula sa bundok dito sa Manila
Tatalunin ko ang anumang monsters na gumugulo sa syudad parang sila powerpuff girls lang 🙂
Gusto ko magkaron ng Solomonic wisdom at magic para maging invisible
Magtatayo ako ng maraming kalsada at flyovers para walang traffic sa buong bansa especially sa Metro Manila
Kakabugin ko ang The Avengers!