Una sa Balita

Kung sino ang batak siya mananalo — Suson

0 264

BAKBAKAN ang anim na bagitong kabayo sa Three-Year-Old Maiden Race na gaganapin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Inaasahang pagtutuunan ng pansin ng mga liyamadista sina Prince Jhon at Adorable Maxinne sa event na may distansyang 1,200 metro.

May added prize na P10,000 sa may-ari ng unang kabayong tatawid sa meta, magiging kari­bal nina Prince Jhon at Adorable Maxinne sina Macabebe, Handsome Jhon, Red Sole at Look Up Young Man.

Ayon kay apprentice rider RC Suson, mahirap magsiguro sa laban, para sa kanya patas lang ang karera at lahat may tsansang manalo.

“Mga batang kabayo at wala pang perma­nenteng takbo kaya kung sino ang maganda ang kondisyon ay ‘yun ang medyo nakalalamang sa laban,” ani Suson.
Ang nasabing event ay inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (Philracom). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More