Una sa Balita

Kung saan ang usok, doon ang apoy

0 271

Ok ka harry

Hindi na siguro lingid sa inyong kaalaman ang ulo ng balita nitong nakaraang mga araw. Karamihan sa mga pahayagan at TV networks ay sinundan ang balitang ito habang ito ay nangyayari. Malamang din ay napanood at nabasa niyo na rin ang mga naging pahayag ko patungkol sa isyung ito.

Ang aking pinatutungkulan ay ang alegasyon ng korapsyon sa loob ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at ang kolum na ito ay pagpapaliwanag kung bakit hindi ko palalagpasin ang isyung ito.

Sa aking mga nakaraang kolum, tinalakay ko ang kahalagahan ng Universal Health Care (UHC) Law at hindi ko na uulitin ang aking mga natalakay dito sa kolum na ito. Tanging ang mga tao na hindi alam ang kahalagahan nito, o iyong mga hindi gagap ang realidad, ang hindi makakapagbigay ng halaga sa usapin ng pag-protekta sa implementasyon ng batas na ito.

Hindi ko man kailangang sabihin ngunit bilyong-bilyong piso galing sa buwis ng taumbayan ang ilalaang pondo para sa implementasyon ng batas na ito at hindi ko papayagang gamitin lamang ito sa katiwalian, korapsyon at sa bulsa ng mga buwayang nagbabalat-kayo bilang mga lingkod bayan.

Marahil ay magtataka kayo kung nasaan ang katiba­yan ng akusasyon ng korapsyon. Nito lang nakaraan, marahil ay narinig niyo na ang balita tungkol sa WellMed scandal kung saan diumano’y binabayaran ng PhilHealth ang mga ghost kidney treatments ng mga taong patay na sa nasabing pagamutan. Ito mismong kaganapan na ito ay isa sa mga ebidensya.

Kung walang matatapang na whistleblo­wers, hindi rin natin malalaman ang mga katiwaliang ito.

Kung totoo ngang mayroong alam ang mga nasa PhilHealth ukol sa isyung ito at mayroong ginawa, bakit hindi nila sa atin ipinaalam? Bakit bilyon-bilyon na ang nawala bago isinapubliko ang mga pangyayaring ito? Bakit patuloy pa rin ang pagbayad ng pera ng taumbayan sa WellMed hanggang ngayon? Lahat ng kaguluhang ito ay nagpapamukha na parang mayroong pakikipagsabwatan, ngunit hindi ako magpapangalan.

Dahil dito, ipina­panawagan ko na i-suspende muna ang implementasyon ng UHC. Ang PhilHealth ay may mahalagang gampanin sa pag-implementa ng UHC at naniniwala ako na hindi nila ito magagampanan kung hindi malinisan ang institusyong ito.

Gusto ko lamang i-klaro: Hindi ko sinasabing kailangan na­ting ibasura ang UHC. Kailangan natin ang UHC at pinagtrabahuhan natin ito nitong mga nakaraang taon. Sinisiguro ko lamang na ma-iimplementa ito nang maayos ng mga taong karapat-dapat at walang bahid ng korap­syon ang mga kamay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy