Una sa Balita

Kung papaano buuin ang bansa sa isang kanta

0 326

Sa 2021, ipagdiriwang ang Kinsentenaryo ng kagi­tingan at tagumpay ni Lapulapu sa Mactan laban kay Ferdinand Magellan noong 1521. Magkaroon kaya ng theme song para dito tulad noong panahon ng Philippine Centennial kung saan ang opisyal na awitin ay ang “Mabuhay ka, Pilipino!” ni Dante M. Beriong? Sa pagsasalaysay sa atin nang kung papaano niya isinulat ang kanta sa loob lamang ng isang “lunch break,” marami tayong babaunin kung ano ba ang elemento o anatomiya ng isang “winning piece”.

Dahil isandaang taong birthday ng bayan, inisip niya, hindi lang dapat ordinaryong pahayag ang gagawin niya dito, dapat mapagdiwang. At ano ba ang pinakamapagdiwang na pagbati para sa Pilipino: Mabuhay ka! “Assertive, celebratory.” Kaya ayun ang naging pamagat ng awitin, “Mabuhay ka, Pilipino!”

At dahil nais niyang ang awit ay magkuwento ng ating kasaysayan, sinimulan niya ang tatlong stanza ng kanyang awitin sa pamamagitan nang (1) “Sandaang taong kasaysayan ang lumipas,” (2) “Nahan ka na sa iyon kinalalagayan,” at (3) “Kaharap mo ngayo’y samu’t saring pakikipaglaban.” At dahil doon naipahayag niya ang kuwento ng bayan noon, ngayon at bukas—ganito magkuwento ng kasaysayan sina Rizal at Bonifacio at ang tawag ni Zeus Salazar sa pagkukuwentong ito ay ang Tripartite View of History na makikita rin sa naratibo ng pasyon ni Hesukristo at ng mga sinaunang epiko.

Sa bridge ng kanta, naisulat niya rin, “Mula noon hanggang ngayon sa Mindanao, Visayas at Luzon.” Nang isulat niya ito namangha siya hindi lamang dahil nag-rhyme, ngunit dahil ang stereotype na la­ging dapat mauna ang Luzon ay nabasag. Mas inclusive ang da­ting dahil inuna naman ang Mindanao, “Sabi ko, ok ito a… parang buo na [ang bansa].” Pagpapatuloy ng bridge, “Kabayanihan mo’y nanaig, pagka’t inang baya’y iniibig.” Ito daw ang nakapagkaisa sa bayan sa panahon ng pakikibaka, na pare-pareho nating mahal ang Pilipinas.

Sa kanyang pag-aaral sa Ateneo, natutunan niya sa kanyang Sociology class noon na may hierarchies of relationship: primary, secondary at tertiary. Kaya sa bawat pagtatapos ng koro na inulit ng tatlong beses, pinagpalit niya ang mga salitang “Pilipino aking kapatid/kaibigan/kababayan, Mabuhay ka!” “Sabi ko, Ok ito a! …We really don’t know each other, kung Pilipino ka hindi mo naman kaano-ano ‘yung mga taga-Mindanao, ‘di ba? Pero ‘yung bawat encounter mo regarding the idea of freedom between people whom you know, or people whom you do not know but you share the same principle about freedom. So kapatid, kaibigan, kababayan, mabuhay ka!”

“Everything just flowed so naturally. Para bang nu’ng ginawa ko yung lyrics na iyon ni hindi ko man lang binago. How it was written on that very hour was the way it was written when I submitted it to DBP.”

Sa huling bahagi, ang pagkakapili ng awitin para maging Centennial Birthday song ng bayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy