Una sa Balita

Kung paano ba ipinagdiwang ang Sentenaryo

0 279

(Huli sa dalawang bahagi)

Noong naging ta-gapangulo ng UP Departamento ng Kasaysayan si Dr. Jaime Veneracion, isinulong niya ang pagdiriwang sa Pilipinas ang ika-200 taon ng Himagsikang Pranses. Ito ang isa sa nagbunsod kay Pangulong Cory Aquino na ideklara ang 1989 hanggang 1999 bilang Dekada ng Nasyonalismo. Maraming sentenaryo ng mga pangyayari sa pagsilang ng bansa ang nakapaloob dito.

Nabuo ang National Centennial Commission na siyang nanga-siwa sa pagdiriwang ng 100 taon. Naging iconic noon ang logo nito na dinisenyo ni Edgar Santiago.

Habang nagkakaroon ng pagdiriwang sa Kawit, Cavite sa umaga ng 12 Hunyo 1898, nagsalita naman ang Pangulong-halal noon na si Pangalawang Pa-ngulo Erap Estrada sa mga nasa Luneta kung saan naganap ang iba pang mga aktibidad na dinala naman sa tahanan ng mga Pilipino sa pamamagitan broadcast pool mula sa lahat ng networks ng bansa. Nagkaisa ang mga host at pasilidad nito sa pangunguna ng mga katulad nina Direk Maria Montelibano at Direk Ed Finlan.

Related Posts

Hapon nang ginanap ang Grand Centennial Parade. Naghuntahan sa telebisyon sina Seb Sarmenta ng PTV 4, Tina Monzon-Palma ng ABS-CBN 2, at ang historyador na si Ambeth Ocampo. Napag-usapan nila ang naging lapit ng Centennial na tila showbiz o entertainment na hindi naman maiiwasan dahil “MTV era” nga noong panahon na iyon. Marami ngang mga commercials noon na ang mga bayani ay kumakain ng Dunkin’ Donuts. Umawit si Cris Villonco ng “Tagum-pay Nating Lahat” sa Fort Santiago na may mga eksena sa buhay ni Rizal para sa Rizal Commercial Banking Corporation.

Matapos ang talum-pati ni Centennial President Fidel V. Ramos, nagsimula ang parada ng iba’t ibang float at mga pagtatanghal na may mga eksena mula sa kasaysayan ng Pilipinas na kinatampukan ng mga sikat na artista. Naging Inang Bayan sa Malolos Republic si Charlene Gonzales. Ilan sa mga ito ay tinulungang itanghal ng Barasoain Kalinangan Foundation Inc. nina Sonny Cristobal, Consolacion Gamboa at Estelita de la Cruz.

4:00 PM, oras ng proklamasyon ng independensya noong 1898, itinigil ang parada para sa “re-enactment” na ginanap sa isang replica ng lumang bahay ni Aguinaldo na tinayo mismo sa harapan ng Grandstand (tourist police station na ngayon ng Luneta). Gumanap na Pangulong Emilio Aguinaldo si Bong Revilla. Matapos ito, umakyat si Revilla bilang si Heneral Aguinaldo sa entablado at binigay ang watawat kay Ramos—Heneral sa Heneral (nakuha na kasama nila sa mga larawan ang tatlo pang naging at magiging pangulo—Cory Aquino, Erap Estrada at Gloria Arroyo)

Gabi na nang matapos ang parada. Tuma-lon muli si Ramos sa saya. Bago ang konsyerto, nagkaroon ng napakagandang 30-minutong fireworks display sa saliw ng mga awiting Pilipino mula sa UP Concert Chorus. Nagkakahalaga ito ng Php 34 Milyon. Maraming bumatikos dito subalit kahit bata pa ako noon naisip ko, minsan lang naman ang isandaang taong bertdey ng bansa. Hindi malilimutan ang araw na iyon ng sinuman sa mga nakasaksi at nakapanood man lamang sa telebisyon tulad ko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy