Una sa Balita

Kung kailan engaged na Winwyn walang oras kay Mark

0 1,576

abante-talbog-joe-barramedaSi Winwyn Marquez ay isa sa mga alaga ni Arnold Vegafria na kasabay ng ilang beauty queen na pumirma ng kontrata sa Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde.

Nakagawa naman agad ng pelikula sa Regal si Winwyn na ‘Unli Life’ kung saan kasama niya ang bidang si Vhong Navarro.

Nasa promo period ngayon ang kanyang pelikula with Vhong Navarro na ‘Unli Life’ na isa sa mga entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Aminado si Winwyn na malaki ngang maituturing ang naitulong sa kanya ng pagkapanalo niya sa isang international beauty contest bukod pa siyempre sa pangangalaga sa kanya ng kanyang manager.

Pero ang problema, sabi ay kulang na kulang daw ang oras niya sa kanyang lovelife kahit may tsismis na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si Mark Herras. Totoo man ito o hindi, ang importante bongga ang career ngayon ng dalaga at siguradong napag-uusapan na rin nila ni Mark ang mga bagay-bagay bilang magkasintahan.

Anyway, going back sa pelikulang Unli Life, palabas na ito sa August 15 sa mga sinehan nationwide. Kasama rin sa movie sina Joey Marquez, Ejay Falcon, Jhong Hilario at marami pang iba.

Kylie, Aljur abot-langit ang kaligayahan

Masaya at mukhang abot-langit ligaya ng couple na sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla nang ipagdiwang nila ang one year old birthday ng kanilang anak na si Alas, kung saan isinabay na nila ang binyag nito.

Siyempre mga kaibigan sa showbiz ang ilan sa mga ninang at ninong na nakita namin sa post ng mag-asawa habang nag-e-enjoy sila sa pagbubukas ng mga regalo ng bagets. Dumalo ang ama ni Kylie na si Robin Padilla with Mariel at anak.

Hindi pa namin alam kung ano next project ni Kylie sa GMA. After sa short stint niya sa ‘The Cure’ ay napanood namin siya sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ kung saan nakasama niya ang mga kasamahan niya sa Encantadia.

Candy malaking tulong kay Ken sa special role

Sa upcoming tele­seryeng ‘My Special Tatay’ ay kasama rin sa cast si Candy Pangilinan na matagal din namin hin­di nakita. Wala namang ipinagbago ang itsura niya at pareho pa ring kalog at mabiro.

May special child na anak si Candy na solo niyang pinalaki at ginabayan. Kaya isa siya sa hinihingan ng pointers ni Ken Chan sa bagong role niyang may pagka-special din.

Masaya si Candy sa ba­gong role niya sa My Special Tatay kasama sina Ken, Arra San Agustin, Lilet, Ms. Carmen Soriano at iba pa. Malapit na itong umere na dinidirek ni LA Madridejos.

Jeric puro kayod, no time sa babae

Nakatulong kay Jeric Gonzales ang role niya sa ‘Kambal, Karibal’ kung saan na­katambal niya si Kyline Alcantara na umani ng ma­raming fan. After Kambal Karibal ay agad siyang na­bigyan ng isa pang project at ito ay ang Ika 5-Utos.

Hindi pa namin alam kung ano ang role niya pero puspusan ang na ang taping nila at baka September ang umpisa na i-ere ito.

Walang masyadong ba­lita kaming naririnig kay Jeric at sa mga post niya sa IG niya ay puro taping at pagpunta sa gym. Wala kaming naririnig kung may girlfriend ito o babaeng napupusuan. Basta busy lang siya sa work niya at pagpapaganda ng katawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy