Una sa Balita

Kung ‘di maawat may pakana ng 5-6, patayin!

By
0 873

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mawala ang “5-6” na nagpapahirap sa mamamayan at mga guro sa bansa.

Sa kanyang talumpati kagabi sa groundbreaking ng Gen. Gregorio del Pilar National High School at Pandi National High School sa Barangay Sta. Ana, Bulakan, Bulacan ay sinabi ng Pangulo na lalong nababaon sa utang ang mga guro dahil sa 5-6 kaya dapat matigil na ito.

Bukod kasi aniya sa perang ipinautang ay pau­utangin pa ang mga guro ng appliances gaya ng TV, kama at iba pa.

Pabirong sinabi ng Presidente na kung hindi niya mapatay ang sistema ng pautang ay ‘yung nagpapa-5-6 na lang ang patayin.

“Alam ko ‘yang 5-6. Iyan ang gusto kong patayin na sistema. Kung hindi ko mapatay ang sistema, ‘yung nagdadala ng 5-6 na lang ang ating patayin. Mas madali man siguro,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na dapat matigil na ang 5-6 dahil nagiging alipin na ang mga tao sa utang at hindi makabangon-bangon dahil lalong nadadag­dagan pa ito.

“Parang ang tao is slave working for you or for your money. Gano’n ang nangyayari dito sa atin, ‘yung patong-patong na ‘yan,” dagdag pa ng ­Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy