Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kundisyon ni Marian kinabahala ng mga netizen

0 56

Hanggang ngayon, hindi pa rin nag-a-update ng kanyang Instagram account ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Ang huling post pa rin niya sa kanyang IG account ay noong May 19 pa, so it means by June 19 kung hindi pa rin ito mag-a-update ay isang buwan na siyang absent sa social media.

Eh, isa yata si Marian sa masasabing masipag mag-post sa kanyang IG account either sa feed or sa kanyang IG stories.

Ilan na rin ang natatanggap naming mga messages mula sa mga fan ni Marian. Halos lahat ay nagtatanong kung bakit nga raw wala itong update, kumusta na raw ito at sana raw ay okay lang.

Sa ngayon, hindi pa rin namin nakakausap si Marian, pero wala naman daw dapat ipag-alala ang mga tagahanga ni Yan kung hindi man ito active ngayon sa socmed.

Parang sa kabisihan din kasi ni Marian kahit na sabihin pang nasa bahay lang ito, eh, sila rin talagang mag-asawa ang gumagawa ng mga content kahit sa mga endorsement nila. Bukod pa siyempre ang business ni Marian na inaasikaso niya rin at ang mga anak, so, nagiging sobrang abala rin talaga.

Parang pansamantala lang itong nagde-detox o nagpapahinga sa kanyang social media life. Pero sigurado naman daw na magbabalik at tulad dati ay magpu-post ito ng mga updates.

Julie tinawanan ‘away’ kay Pambansang Bae

Muling kinamusta si Julie Anne San Jose kung wala na raw bang tension o ilangan na nagtutuloy-tuloy ang pagsasama nila ni Alden Richards sa All-Out Sundays.

Ang pinanggagalingan nito ay sa dahilang hanggang ngayon, may mga fan pa rin na nagre-react kapag nakikita silang magkasama sa isang production number o segment.

Natatawa na lang si Julie nang sumagot at sinabing, “First of all, okay po kaming dalawa. Okay po kami sa All-Out Sundays. Even when we see each other, nakakapag-hi. Nagkakaroon naman ng mga usap-usap.”

Nilinaw ni Julie Anne na wala silang away ni Alden. Lalo na raw sa part niya. Ginagawa lang daw nila ang trabaho nila.

Move-on na raw dapat dahil 2021 na at lalo na ngayong may pandemic, mas maraming issue nga naman na mas dapat na pagtuunan ng pansin.

Sa isang banda, magiging all-out nga sa All-Out Sundays ngayong Linggo, June 13 for a 2-weeks celebration of GMA-7’s 71st Anniversary.

Excited si Julie at iba pang regulars ng AOS dahil sa mga naka-line-up na gagawin nila at halos lahat daw ng Kapuso stars ay mapapanood ngayong Linggo.

Alden nominado sa NY Festival

Kahit sino naman ay tiyak na mapa-proud katulad nga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na ipinost ang nominasyon na natanggap.

Noong June 9 ay nag-release ang New York Festival’s TV & Film Awards for their 2021 Finalists.

Ipinost ni Alden at binilugan pa ang nominasyon na natanggap nang ginawa niyang online concert last year, ang “Alden’s Reality” na nominado sa kategoryang Entertainment Special under Special Event.

Sa isang banda, may pa-teaser na rin ang ginagawa ni Alden na serye kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang “The World Between Us.”

Posibleng next week, balik-quarantine at lock-in taping na naman sila lalo pa nga’t may ni-reveal na airing date na ng serye. At ito ay sa July 2021 na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.