Una sa Balita

Kumpiskadong medical supplies ido-donate ng BOC

0 360

Nakatakdang ipamigay ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nasamsam nilang medical supplies para sa front liners na kasalukuyang lumalaban sa COVID-19.

Ayon kay BOC spokesperson at assistant Vincent Maronilla, nakikipag-ugnayan ngayon ang kanilang ahensya sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) para agarang maipamahagi ang mga medical supplies na nakumpiska ng BOC.

“We’re finalizing some plans for the Bureau of Customs to assist itong mga na-raid po ng NBI pati na rin po yung mga na-raid namin last week, mapabilis po agad ang forfeiture nito para ma-donate na kaagad sa mga frontliners na nangangailangan,” saad ni Maronilla.

“We’re already coordinating with the Department of Justice and National Bureau of Investigation,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Maronilla, nasa 2,865 shipment of personal protective equipment at medical supplies na ang naayos ngayon ng DOJ. (Aivan Episcope)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More