Una sa Balita

Kumita sa deal: Mayor nagliwaliw sa Singapore

0 508

Sino daw itong alkalde ang nagliwaliw sa Singa­pore matapos na kumita sa malaking transaksyon?­

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na binitbit pa raw ni mayor ang mga kaalyadong konsehal para hindi pumiyok ang mga ito sa pinasok na deal.

Bilyong piso daw kasi ang halaga ng transak­syon kaya naman tiba-tiba ang alkalde sa binigay na pabuya.

Siyempre, agad nag-shopping si mayor kasama ang mga kaalyadong konsehal.

Buhay-hari daw ang alkalde sa nasabing bansa dahil binigyan din ito ng VIP treatment ng mga negosyanteng ka-deal nito.

Pintahan n’yo na. Ang mayor na nagliwaliw sa Singapore kasama ang mga konsehal ay inuugat na sa puwesto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More