Una sa Balita

Kume ‘KJ’ sa pag-ban ng Arwind dunk

By
0 825

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga sumasampalataya sa signature dunk ni Arwind Santos – ang kung tawagin ng PBA ay “monkey ride”.

Binaril ng PBA Commissioner’s Office ang Spider-Man dunk ng San Miguel Beer wingman, bawal na siyang maglambitin nang matagal sa rim, lalong hindi na puwedeng ipatong pa ang dalawang paa sa backboard.

Nasa ibaba ang ulo ni Arwind, parang si Peter Parker kapag naging si Spidey na nasa ibaba ang ulo, nasa itaas ang dalawang paa.

Pirmado ni Commissioner Willie Marcial ang kalatas, hindi nagbanggit ng pangalan pero si Santos lang naman ang mahilig maglambitin sa rim na nakasampa ang paa sa backboard.

Tweet ni @waltherkui, dapat tawagin ang bagong pantuntunan bilang “Arwind Santos Rule”.

Bibigyan ng unsportsmanlike technical foul ang gagawa nito.

“A player may hang on to the basket ring, backboard or it’s support, to prevent injury to himself or another player with no penalty,” anang kalatas.

Puwede naman daw lumambitin ang player “momentarily” pagkatapos dumakdak.

Wala naman daw nasasaktan sa ginagawa ni Arwind, “Just the egos of the opponents and their fans,” ayon kay @pinkfence05.

Puwede naman daw mag-improvise na parang si Spider-Man pa rin, pagdakdak ay “signal a hand as if spinning a web,” ani @loidita.

Okay lang daw ‘yun na bawalan, dahil “hindi naman maganda yung dunk ni Arwind. Parang layup lang pero biglang lumambitin,” punto ni @bogZ_81.
Si @Iamaileenbraga, sabi ay “KJ si Kume.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy