Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kume hihirit uli sa IATF

0 31

Muling hihirit si PBA commissioner Willie Marcial sa IATF kung puwede nang matuloy ang kickoff ng 46th season sa susunod na buwan.

Mula nang payagan ng ahensiya ang scrimmages noong May 15, walang nangyaring aberya. Halos perpetko ang semi-bubble sa Batangas, Ilocos Norte at Pampanga.

“Maganda na na-di-disiplina mga teams at’yung players na-di-disiplina nila ‘yung sarili nila,” ani Marcial.

Kapag binukas na ang indoor gyms sa Metro Manila at pinayagang mag-practice sa Big City ang teams, sa MMDA na lang makikipag-koordinasyon ang PBA.

SM food to go Banner Ad

Ang ahensiya ni chairman Benhur Abalos na ang makikipag-ugnayan sa mga local government units para payagan ang ball clubs na mag-scrimmage sa kani-kanilang pasilidad.

“’Pag nag-GCQ na (without restrictions) by July 1, p’wede na mag-scrimmage dito sa NCR,” dagdag ng PBA chief. “Pero ang letter ko sa MMDA na lang, hindi na sa kanya-kanyang mayors. As a whole, sila na (MMDA) ang mag-a-address n’yan.”

Kelan lang, nakipagpulong si Marcial kina Abalos, Sec. Vince Dizon, Game and Amusements Board chairman Baham Mitra, MMDA general manager Jojo Garcia at MMDA legal counsel Atty. Don Artes.

Pinag-usapan ang vaccination at kickoff ng susunod na season. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.