Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kumander ng BIFF, 5 `bata’ bumigay sa militar

0 83

Sumuko sa militar ang division commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kasama ang kanyang limang tauhan bitbit ang malalakas ng kalibre ng baril sa Ampatuan, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon ng opisyal ng Western Mindanao Command (Westmincom).

Ayon kay Westmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., Sabado ng umaga nang magdesisyong sumuko sina Abunawas Ibad Damiog, a.k.a. Bayawak, 4th Division Commander/Deputy for Military ng BIFF-Bungos Faction, kasama ang tauhang sina Yasser Bago Abunawas, Anwar Alim Sangki, Olon Bago Abunawas, Mohammad Kanakan Ibad, at Dihan Abdul.

Ang mga ito ay sumuko kay 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Col. Pedro Balisi, Jr. sa 1st MechBde headquarters sa Barangay Kamasi, Ampatuan, Magunidanao.

SM food to go Banner Ad

Bitbit din ng anim ang dalawang 5.56 M16 rifles na may dalawang magazine, 1 7.62 M14, 1 M653 5.56 rifle, 1 garand rifle at isang 50 caliber barret, kasama ang mga magazine at bala.

Ayon kay Damiog, gusto na umano niyang mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya. Pagod na rin umano siya sa kakasunod sa mga utos ng lider at wala namang natutupad sa mga ipinangako sa kanya. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.