Una sa Balita

KUMAKARERA: May nagtext

By
0 4

Sa Agosto 14 (Linggo) na gaganapin ang NPC Benefit Racing sa MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Inimbitahan ng ba­gong pa­ngulo ng National Press Club na si Paul Gutierrez ang racing aficionados na panoorin at suportahan ang racing event para sa kapakinabangan ng mga scholars ng NPC.

Ito ay pantaunang pakarera ng NPC na naghi-highlight ng NPC Cup na ngayo’y nasa ika-apat nang edisyon at patuloy na iniisponsoran ng Philippine Racing Commission.

“Kailangan namin ang inyong suporta at ang malilikom naming proceeds mula sa pakarerang ito ay mapupunta sa mga scholars natin,” ani Gutierrez ng People’s Journal.

***

Magandang pamamalakad sa karera ang sikreto ng Japan Racing Association kaya napapa­natili nila ang pagiging No. 1 sa buong mundo.

Dalawa o tatlong araw lang kung kitain nila ang isang taong kinikita ng karera dito sa atin.

Sabado at Linggo lang ang karera doon at 10 ang pinamamahalaan ng JRA, 15 ang mga maliliit na karerahan. At 44 lang ang kanilang off-track betting stations (OTBs).

Hindi tulad dito na halos pabagu-bago ang re­gulasyon sa karera, mas istrikto ang JRA sa kanilang nasasakupan pero iisang set ng rules and regulations lang ang kanilang sinusunod taun-taon.

***

May nagtext sa atin kahapon na tiyak na magiging interesado kayo. Ang text ng isang Mang Karyo:

“Nabalitaan namin na isang opisina ng pamahalaan na may pakialam sa karera ang medyo matitigas daw ang mga ulo ng mga opisyales doon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sinusunod ang ‘pakiusap’ ni Pangulong Duterte na magsubmit sila ng courtesy resignation. Totoo po ba ito? Bakit, ano ba ang tingin nila sa sarili nila? Nakadikit sa silya ng opisina ang kanilang mga posisyon? Ang balita ay pinaglalaban daw ng mga nasabing opisyales na may term of office sila kaya hindi puwedeng galawin basta-basta. Alam na kaya ni Pangulong Duterte na ang mga opisyales na ito ang sumusuway sa kanyang pakiusap magpahanggang ngayon? Nagtatanong lang po! – Mang Karyo ng Tondo.”