Una sa Balita

KUMAKARERA: Maniobra

By
0 5

Baka ­magkamali kayo, ngayong ­Sabado (Hunyo 11) gaganapin ang second leg ng 2016 Triple Crown Series sa MetroTurf.

Wala kasing karera sa Linggo dahil Independence Day celebration kaya yung major race na may P3-million papremyo kasama ang P1-million Hopeful Stakes at P500,000 3YO Locally-Bred Stakes ay tatakbuhin lahat sa Sabado.

Siyam na matitin­ding 3-year-old colts at fillies ang magbabakbakan sa main race na pinangu­ngunahan ni first-leg winner Radio Active.

Abante Hiring – IT dep

Ang walong iba pa ay sina Dewey Boulevard, Guatemala, He He He, Indianpana, Underwood, Space Needle, Spectrum, at Subterranean River.

Tiyak na hagaran sa paglabas pa lang ng aparato ang dapat asahan sa mahabang karerang pag­lalabanan sa distansyang 1,800 meters para sa first prize na P1.8-million.

Sabi ng mga eksperto, kung gagawin uli ni Radio Active ang kanyang performance sa unang leg, tiyak na may panalo uli ito sa Sabado.

***

Naging open race ang Hopeful Stakes na ­meron uling first prize na P600,000.

Ito’y dahil sa pagkakaakyat ni Guatemala, ang first leg Hopeful Stakes winner, sa main race.

Magandang laban ito na sinalihan nina Homonhon Island, Mount Iglit, Pinagtipunan, Pinay Pharaoh, Secret Kingdom, Striking Colors, at Tagapagmana.

Apat ang maglalaban sa top prize na P300,000 sa 3YO Locally-Bred Stakes: Garlimax, Pangarap, Play It Safe, at Real Flames.

***

May mga taong uma­aligid daw sa tagiliran ng President-elect Digong Duterte ang ­naghahanap lang ng magandang ­timing para magpadrino sa ilang awtoridad nga­yon sa karerahan.

Ang pangako daw ng mga ito ay mananatili sila sa puwesto dahil sila daw ang bahala sa bagong Presidente. Ito ang bulong ng ilan nating sources doon sa Davao kung saan naka­base pa rin ang Presi­dente bago siya pumunta ng Manila para sa kanyang inagurasyon.

Dagdag pa ng ating sources, ipinagmama­laki umano ng mga ‘umaaligid’ sa tabi ni Presidente Digong na “kaya nilang magmani­obra kung sino daw ang mare-retain o mapapa­litan” sa mga awtoridad sa karera. Ganun?