Una sa Balita

KUMAKARERA: Mag-a-abroad na

By
0 6

Kahit maulan at napa­kasungit ng panahon, tagumpay ang 2016 National Press Club (NPC) Benefit Racing noong Linggo sa MetroTurf.

Pinangunahan ng bagong pangulo ng NPC na si Paul Gutierrez ang selebrasyon na pinaka-highlight ang 4th Philracom-NPC Cup na pinanalunan ni Timeless Magic ni Edward Pangilinan.

Umabot sa P29.9-million ang total sales sa 12 karera noong Linggo kumpara sa P34.26-million na nailista sa NPC Cup noong Agosto 10, 2014.

Nagsidalo rin ang ibang opisyales ng NPC na sina vice president Benny Antiporda, directors Lydia Bueno, Mina Navarro, Arlie Calalo, Boying Abasola, Benedict Abaygar, at Jun Mendoza.

***

Inaanyayahan ni KA­SAPI president Nicson Cruz ang lahat ng mi­yembro na dumalo sa General Assembly Meeting at Grand Launch ng “Tulong Pangkabuhayan sa mga KASAPI OTB-Members” sa Agosto 31 sa McDo Centris along EDSA sa tabi ng BMW sa Quezon City.

Bibigyan ng tig-5 ti­kets na isasali sa raffle draw na exclusive sa lahat ng OTB-Members na dadalo sa okasyon. Isang Haojue 110 A-1 Condition Motorcycle at 10 cellphones ang ipapa-raffle.

Ilulunsad din sa okasyon ang proyekto ng KASAPI at MetroTurf na P20 Mo Manalo ng Motorsiklo na tiyak na maiibigan ng mga KASAPI OTB-Members dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang negos­yo.

May 12 Haojue 110 A-1 Condition Motorcycles ang ipapa-raffle sa Disyembre 18 sa lahat ng bibili ng tiket na nagkakahalaga lang ng P20 bawat isa. Marami ding surprise prizes ang naghihintay sa mga mananalo sa pa-raffle.

***

Isang star jockey ang napapabalitang nagbabalak nang mag-abroad para doon na magtrabaho at manakay.

Maganda umano ang offer ng dating pinasukan niya noon kaya halos okay na sa kanya na umalis at tanggapin ang alok.

Maganda naman ang kanyang kinikita dito pero mas tempting ang offer sa kanya kaya halos desidido na siyang tanggapin ‘yun.