Una sa Balita

KUMAKARERA: Lalo pang babagsak?

By
0 4

Dumarami ang nagtatawagan sa atin kung kailan daw pag-uukulan ng pansin ng bagong Pangulong Digong Duterte ang ‘pagbabago’ sa sistema ng industriya ng karera?

Ilang text na rin ang natanggap natin nitong mga nagdaang araw, kailan daw ilalabas kung ano ang mga balak o plano ng bagong administrasyon sa ‘bagsak na industriya ng karera.’

At alam nyo ba na marami sa mga taong tumawag at nag-text sa atin ay nababahala sa lalo pang pagbagsak ng revenue sa karera sa taong ito?

Nakarating na sa kanila ang ‘masamang balita’ na may posibilidad daw na bumagsak sa P6-billion na lang ang magiging revenue sa karera ngayong 2016. Mula sa P8.2-billion noong 2014 ay ‘lumagapak’ sa P7.5-billion ang revenue noong 2015.

At kung hindi magbabago ang patuloy na pagbagsak ng benta­han sa takilya, inaasahan daw na lalo pang babagsak ang benta sa karera sa nakakatakot na P6-billion!

Bakit nagkaganito ang industriya ng karera sa bansa? Halos nagkakaisa ang sagot nilang lahat – at alam ninyo na ang sagot dyan.

***

Umabot sa anim na sabak sa karera bago nakaalis sa maiden si Belmont Stakes champion Creator. Pero meron na siya ngayong dalawang Grade-1 victories dahil napanalunan niya ang Arkansas Derby.

Isa pa, ang mino­rity owner nito na si Bobby Flay ay nakabili ng kanyang share kay Creator halos tatlong araw bago ang Belmont Stakes.

“The truth was that I planned to bring about 15 to 20 people to the Belmont Stakes, which I do every year. I had a horse named America, a filly, who was going to run in the Ogden Phipps (gr. I), but I retired her just last month, so I really had nothing to run. So, I wanted to make sure my guests had a very enjoyable experience. So, I wanted to purchase a horse to run – not necessarily in the Belmont Stakes – and there were a couple horses we were looking at.”

Si Flay na tubong taga-New York ay isang celebrated celebrity chef, restaurateur, at reality television persona­lity sa Food Network. Ilan sa kanyang mga celebrated restaurants: Mesa Grill sa Las Vegas at Bahamas; Bar Americain sa New York at Mohegan Sun, Uncasville, Connecticut; Bobby Flay Steak sa Atlantic City; Gato sa New York, at Bobby’s Burger Palace sa 19 sa iba’t ibang lokasyon.