Una sa Balita

KUMAKARERA: Baguhin

By
0 3

Hinihiling ng racing fans na bigyan daw ng mga karera ang mga kabayong inaasahang makikita sa Presidential Gold Cup sa Disyembre.

Para daw magkaroon ng added features ang mga karera mula nga­yong Hulyo hanggang Nobyembre sa tatlong karerahan halos limang buwan bago mag-Dis­yembre.

Ang nangyayari kasi yung mga matitinding challengers sa nakaraang taon na nagbabakasa-sakali pang sumali sa Gold Cup ay halos ilan buwang nababakasyon at sa Disyembre na lang nakikita.

Hindi daw maganda ito dahil ang bayang karerista ang nawawalan ng oportunidad na makita ang galing ng mga iniidolong kabayo.

Yan ang problema ng mga magagaling na kaba­yong ayaw ipakita ang galing ng kanilang mga kuwadra dahil iniiwas ito sa disgrasya kung isasali sa maliliit na karera.

***

Binabati natin ang ating colleague na si Al Mendoza sa kanyang pagkakahirang bilang bagong Administrator ng Philippine Coconut Authority!

Mabuhay ka Senor at good luck sa bago mong career ngayon.

Ganun din ang ating pagbati sa bagong Agriculture Secretary na si dating Gov. Manny Pinol, isa rin nating colleague dito sa sports writing community!

***

Nag-i-snowball ang hiling ng industriyang ipasailalim na ng Department of Agriculture ang horseracing industry dahil sa kapabayaan ng mga kinauukulan na maisulong ang kapakanan ng lahat dahil sa kawalan ng growth dito.

“Naghihingalong industriya” na raw ang karera sa bansa dahil sa pagkakalagay nito sa ilalim ng pamamahala ng Office of the President.

Sa mga nakaraang administrasyon, hindi man lamang gumalaw ang Office of the President sa hinaing ng industriya ng karera. Ang masama pa ay naglagay ng mga taong lalong nagpahirap dito. Ang resulta ay kawalan ng growth sa loob ng isang dekada!

***

Pangunahing bisita ng Kapihan Sa Maynila nitong Lunes si Sec. Martin Andanar kaya puno ang Champagne Room ng Manila Hotel.

Hiningi ni Sec. Andanar ang tulong ng media para maging mabilis at masustansya ang pagdi-disseminate ng balita at impormasyon na kailangang malaman ng publiko at ng admi­nistrasyon.