Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kumagat sa pain ng pulis, 2 tulak bagsak

0 115

Swak sa pain ng mga pulis ang dalawang drug pusher na nakumpiskahan ng higit P200K halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City kamakalawa.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Carlito Dela Cruz, 31, ng Caloocan City at Zaldy Legazpi, 22, ng Sangandaan, Quezon City.

Batay sa report, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust alas-6:45 ng gabi sa Caloocan City.

Umastang buyer ng illegal drugs ang isa sa mga pulis kay Legazpi.

Nang magkaabutan ng transakyon ay nakorner na ang dalawa at nasamsam sa kanila ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalagang higit P200K.

Leave A Reply

Your email address will not be published.