Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kulungan ng mga big time kriminal inaprub

0 50

Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa pagtatayo ng hiwalay na kulungan ng mga high-level offender na hinatulan ng pagkabilanggo dahil sa karu­mal-dumal na krimen.

Ang panukalang Se­parate Facility for High-Level Offenders Act (House Bill No. 10355) ay inaprubahan sa pamamagitan ng voice voting sa sesyon kahapon.

Sa ilalim ng panukala, ang Bureau of Corrections (BuCor) ay ina­atasan na magpatayo ng kulungan na malayo sa lugar na maraming tao. Ang lokasyon nito ay maaari umanong sa loob ng military facility o sa isang isla.

Hindi umano bababa sa tatlong pasilidad para sa mga high-level offender ang itatayo. Una sa Luzon at susunod sa Visayas at Mindanao.

Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng oversight power sa Kamara at Senado upang matiyak ang implementasyon nito. (Billy ­Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.