Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kulto lider Ecleo tsugi sa coronavirus — BuCor director

0 270

Inanunsiyo ni Bureau of Corrections (BuCor) Deputy Director General Gabriel Chaclag na pumanaw kahapon ang cult leader at dating mambabatas na si Ruben Ecleo Jr.

Sa pahayag ni Chaclag, sinabi nito na cardio pulmonary arrest ang ikinasawi ni Ecleo dakong alas-12:20 ng tanghali habang nasa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

“Other medical conditions include obstructive jaundice and chronic kidney disease secon­dary to obstructive uropathy,” pahayag ni Chaclag.

Dagdag pa niya, nagkaroon ng COVID-19 si Ecleo ngunit isang linggo na mula nang ito ay nakarekober.

Nitong nakaraang buwan lamang ay naospital ng tatlong araw ang dating mambabatas dahil sa problema sa atay at iba pang komplikasyon.

Si Ecleo ay dating “supreme leader ng Philippine Benevolent Missionaries Association at naging kongresista mula sa San Jose, Dinagat Islands.

Naaresto siya noong Hulyo 2020 dahil na rin sa samu’t saring kaso tulad ng graft at parricide, nang patayin nito ang sariling asawa. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.