Una sa Balita

Kulay pink na beach

0 224

Kamusta na mga Ka Trip Mo, Trip ko? Ilang buwan na lamang ay magpapalit na tayo ng klima, at sigurado ako na madami na ang nag hahan­da at nag-aabang ng buwan ng tag-init sa atin dito at maging mga turista.

Kaya naman mga Ka-Abante huwag ninyo kaliligtaan ang aking kolumn tuwing Sabado dahil ihahain ko na sa inyo ang mga lugar kung saan puwede ninyong ilagay sa inyong mga bucket list!

Hindi lingid sa buong mundo na ang Pilipinas ay ang isa sa mga pinipiling puntahan ng mga turista dahil sa angking ganda ng ating mga beach dito at magandang klima.

Alam ninyo ba na bukod sa pino at pu­ting buhangin ng dagat ay mayroon ding kulay pink na buhangin dito sa Pilipinas? Oo Ka- Abante totoo ang inyong nababasa! Kulay pink!

Ito ay napasama sa 21 na pinakamagandang beach sa buong mundo! Na-iisip nnyo na ba kung gaano ito kaganda? Ito ay ang Sta. Cruz Island na makikita at matatagpuan ninyo sa Zamboanga City. Ang dagat na ito ay nababalot ng kulay pink na buhangin na talagang nakamamangha ang kagandahan
Alam ninyo ba kung bakit ito ay kulay pink? Ito ay dahil sa mga pulang coral na nadurog at humahalo sa tubig dagat at buhangin kaya ito ay naging kulay pink. Ang pulang corals ay kilala sa tawag na organ pipe corals (Tubipura musica).

Ang payo ko sa lahat ng gustong pumunta rito ay dapat dumaan muna kayo sa kanilang Department of Tourism office na makikita sa Paseo del Mar. At dahil nga sa dinadagsa na ito ng mada­ming turista ang kanilang lokal na pamahalaan ay naging mahigpit sa pagpapatupad ng rules and regulations dito. At isa na nga rito ay ang pagbabawal nilang magpa-stay o pagtulog ng buong magdamag sa mismong isla.

Sigurado akong mag-e-enjoy kayo rito dahil bukod sa nakaka-relax, maaliw ka rin sa buhanging pink at malinaw na tubig ng dagat. Ins­tagramable pa ang isla kaya naman sigurado akong mapupuno ang inyong mga cellphone ng litrato. At hindi lang iyan mga Ka-Abante dahil sa napapangalagaan ang isla madami kayong makikitang kakaibang lamang dagat at naggagandahang corals dahil maari rin kayong mag-request sa kanilang Department of Tourism Office ng scuba diving at wala na rin kayong pangamba dahil maari silang magrekomenda sa inyo ng scuba diver na aalalay sa inyo at magtuturo.

Ayan mga Ka-Abante! Sigurado akong madami sa inyo ang nangangarap at magpaplano ng pumunta sa kulay pink na dagat! Ikaw nakapunta ka na ba? Share naman ang inyong mga naggagandahang litrato o karansan sa Sta. Cruz Island, Zamboanga City sa a­king Twitter account at ibabahagi rin natin sa ating mga Ka-Abante!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More