Una sa Balita

Kulang sa tauhan, pasilidad

0 177

Noong nakaraang relief mission sa Lasam, nagsumite si Lorelei Remando, municipal health officer, kay Ginete at Anakalusugan ng ulat sa kalaga­yan ng kalusu­gan sa munisipalidad.

Binigyang-diin nito na “kakulangan sa tauhan” at walang paanakan.

“Hindi sapat ang ibi­nabayad ng lokal na ahensya ng gobyerno sa mga health worker. Ang suweldo namin ay nakasunod sa third class classification, samantalang lahat ng munisipalidad sa rehiyon ay sinusunod ay natio­nal rate of compensation para sa kanilang health workers. Wala din kaming natatanggap na ha­zard pay,” pagsisiwalat ni Remando.

“Ang aming binibigay sa aming budget ay mababa ng limang porsiyento sa kabuuang internal re­venue allotment, at ‘yung iba barangay walang estasyong pangkalusu­gan. Isang kuwarto lang sa barangay hall ang nakatalaga na maaaring gamitin ng mga health worker, hindi pa ito kumpleto,” dagdag pa niya.

“Naaalarma lang sila kapag may biglaang sakuna,” aniya sa mga lokal na ahensya ng gobyerno.

“Talamak din ang malnutrisyon dahil sa kahirapan,” dagdag niya.

Ang Rural Health Unit ng munispalidad na nagbibigay ng serbisyong medikal at pangkalusu­gan na naglilingkod sa 30 barangay ng Lasam ay may isang doktor, me­dical technologist, tatlong nars, limang manghihilot (midwives), dalawang sanitary inspectors, at isang dental aid work. Walang dentista ang RHU.

Ilan sa mga sakit na kanilang nilunasan ay acute res­piratory inspection; hypertension, bronchitis, community-acquired pneumonia, lacera­ted wound, acute gastroenteritis, dyspepsia, dermatitis at urinary tract infection.

“Nangunguna ang nakakahawang sakit at high blood sa mga madalas na sakit dito sa RHU,” sabi ni Remando.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy