Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kulang sa exciting part ang love life

0 90

Napanaginipan ko na very sweet daw kami ng crush ko ngayon, sa totoong buhay parang mutual kami pero ayaw namin ng commitment kaya hindi talaga kami. Pero sa panaginip ko parang mag-jowa daw talaga kami tapos very touchy talaga to the point na nakaibabaw ako sa kanya and parang nasa act na rin ng sex pero pagtingin ko raw sa face niya parang unti-unting nagbago at napalitan ng mukha ng ex ko. Nalungkot and parang disappointed ako pero feeling ko tuloy may gusto pa ko sa kaya and hindi pa rin nakaka-move on kaya siya pa rin nakita ko sa panaginip ko. Totoo kaya ito?

  • Michy

Kapag napanaginipan mo ang iyong crush at involve ang halikan o pysical intercourse, malamang ay nakaugat ito sa iyong desire o kagustuhan na magkaroon na ng karelasyon.

Pwedeng bago mo ito mapanaginipan ay sumagi na sa isipan mo kung ano ang sa tingin mo ay kulang sa iyong buhay. Maaaring nami-miss mo na ang physical touch mula sa ibang tao o kaya naman ay naghahanap ka na ng passion sa buhay mo, at may strong emotion na gustong lumabas sa iyo.

Gayunman, hindi nangangahulugan na kung sino ang nakita mo sa iyong panaginip ay siya na talaga ang ‘the one’. Tulad ng nasabi mo, sa iyong waking life ang crush mo ngayon ang nasa isip mo kaya siya ang nakasama sa iyong panaginip.

Pero again, hindi matik na siya na rin ang ka-forever mo. Ang mga crush natin ang manipestasyon ng kagustuhan ng ating puso. Pwedeng sila ang maging ‘speaker of truth’.

Ang mukha naman na nakita mo sa iyong panaginip ay sumasalamin din sa pagkatao o emosyon mo ngayon. Kung ang labis mong iniisip ang isang tao, makikita mo ang mukha niya na masaya.

Sa kabilang banda naman, ang bahagi ng panaginip mo kung saan nakita mo ang mukha ng iyong ex at nasa akto kayo ng pagsi-sex ay nagsasabi na gusto mo ng excitement sa buhay.

Hindi ito nangangahulugan na gusto mo nang makipagbalikan o may feelings ka pa sa kanya at gusto mo ng pagmamahal at atensyon niya.

Ang kailangan mo ngayon ay magpokus sa pagtuklas sa kung ano ang gusto mong gawin at paano maibabalik ang spark na tingin mo ay kulang sa iyo. Sinasabi ng panaginip mong ito na kailangan mong magkaroon ng pagbabago sa kasalukuyan mong kondisyon, lalao na sa love life.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@newuserone

Leave A Reply

Your email address will not be published.