Una sa Balita

Kulang ng trabahador kaya atrasado ang Build program

By
0 320

KULANG na umano ng trabahador ang Pilipinas kaya naantala ang mga proyektong imprastraktura ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Ito ang inamin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga ginaga­wang mga malalaking proyekto sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa San Jose del ­Monte, ­Bulacan, sinabi nito na ­nangibang-bansa ang karamihan sa mga trabahador na nasa construction industry kaya wala nang makuha para sa mga ginagawang proyekto.

Marami aniyang trabaho sa construction pero natetengga dahil walang mga trabahanteng makuha gaya ng electrician, master carpenter at master plumber dahil nagsipag-abroad ang karamihan sa mga ito dahil sa malaking bayad sa mga skilled worker.

“Alam mo, dito sa Pili­pinas ngayon, maraming trabaho. Sa Davao gano’n rin. Ang construction humihinto kasi walang trabahante. Kaya ‘yang Build, Build, Build medyo atrasado nang konti. Walang trabahante. Eh marami ta­yong Pilipino.

Kung wala naman — hindi naman tayo magtulungan, eh ‘di wala,” anang Pangulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy