Una sa Balita

Kulang na ensayo sinisi ni Morado

0 446

KUNG mahaba-haba lang ang kanilang preparasyon, malamang na nakakuha ng podium finish ang Phili­ppine women’s volleyball team sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games.

“I think more than anything, yung preparation talaga namin yung nagkulang for this SEA Games kasi we went up against teams who’ve been training for years,” paliwanag ng setter na si Jia Morado.

Aniya, kailangan ng team ng mas maraming international exposure.

“’Yun din naman, kaya andito yung Rebisco to help us give more international­ exposure kasi marami ‘yung international tournaments na makakatulong sa amin lalo na sa SEA Games. So hopefully, in the future, madagdagan pa ‘yung mga pagsali namin,” saad pa ni Morado.

Bagama’t winless sa natapos na biennial event, positibo pa rin ang pananaw ni Morado para sa national team.

“Siyempre, a lot of players haven’t lost hope, especially with a winless SEA Games. Marami pa ring bright lights na nangyari for the past games.

Meron ding mga nangyari na pwede pang maayos with experience, with more exposures. Sure naman ako na napagdaanan din ito ng malalakas na teams na ngayon,” giit nito. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy